Saturday, December 8, 2012

“Sana Sinabi Mo”


Kaibigan nang siya’y aking makilala.
Pangalan, edad at pangkat lamang ang alam ko sa kanya.
Kaya papaanong nahulog ang aking loob
Sa isang lalaking hindi ko lubusang kilala?.

Sayang! Hindi niya nalaman kung gaano ako kasaya sa tuwing kami’y magkasama.
Sana’y sinabi ko.
Nung nagsayaw kami sa ilalim ng buwan sa indayog ng malamyos na musika.
Sana’y inamin ko.

Magulo ba ang pag-iisip ko?
Gusto kong malaman mo.
Ngunit ayokong sabihin sa’yo.
Takot na baka layuan mo.

Pero masisisi mo ba ako kung inuna ko ang sarili ko?
Gayung alam ko na sariwa pa tayo sa mundong ito.
Marami pa kong makikilalang mga tao.
Mga taong tutulong sa paghubog ng aking buong pagkatao.

Kung sinabi ko nga sa’yo.
Mayroon bang magbabago?
Wala siguro.
Pero sana…sinabi ko.

No comments:

Post a Comment